PAALALA:
Sure ako na wala silang tinda “nito”.
Kahit nakasisigurong gamot nila ay laging bago.————————————————————-
Tengene.
Kahit pangit ka o di ka kagwapuhan basta meron ka “NITO” tiyak shoot ka sa banga.
Based on my experiences…Ang babae kasi hindi naman naghahanap yan ng mga lalakeng panlagay sa picture frame.O kaya naman yung mga lalakeng may abs sa tiyan.
Lalo naman yung may abs sa mukha.
Ang hinahanap ng mga yan, yung di kagwapuhan pero araw-araw silang mapapasaya.
Yung tipo ng mga lalaki na maginoo pero medyo bastos. (Insert hagod here.)
Yung mga lalaking hindi lang muscle ang may laman, pati utak.
Ang hirap maging lalaking tulad niyan.
Kasi ang sense of humor hindi napapractice.
Kung meron ka talaga niyan, di mo na kelangang ipilit.
Sabi nga ni Selena Gomez na gelpren ni Justin Bieber…
“It comes naturally.” (2x)
Dagdag pogi points sa mga lalaki kung ikaw…
Yung tipong kayang magpatawa kahit facial expression lang.
Yung tipong babanat ng napaka-korning pick-up line pero bebenta pa din.
Yung lalaking mataas ang “stage presence” pero hindi nakakainis.
Yung tipong saktuhan lang na presko pero nagmumukhang gwapo.
Ganun din naman sa babae…
Nakakainlove yung mga babaeng kahit alam nilang maganda sila, hindi nahihiyang magpatawa.
Nakakaturn-on yung babaeng pag nakita mo siyang tawa ng tawa buo na ang araw mo.
Lalong lalo naman yung babaeng sa mukha at paraan ng pagsasalita e makahulog brief na.
Kumbaga sila yung mga babaeng medyo sabog ang pula.
Pero hindi bastusin.
Bihira yung mga ganyan.
Pangkaraniwan sila yung mga kaibigan mong hindi napapansin.
Yung araw-araw na nagpapangiti sayo.
Kasi kakahabol mo sa varsity player na macho at gwapo.
Hindi mo napapansin si bespren na may gusto pala sayo.
Hindi mo na napapansin yung nakapaligid sayo.
Yung laging bumubuo ng araw mo.
Yung mga taong ganyan, masarap kasama.
Ang hirap kayang maging ganyan.
Based on my experieces again. :3Ang sikreto kasi niyan ay kaunting kapal ng mukha, kaunting talino, isang kutsaritang lakas ng loob at tatlong sako ng sinseridad.
Kasi kung susumahin…
“MASARAP MAGMAHAL NUNG PARANG SIRA ULO…
PERO YUNG NATITIRANG BUO…IKAW LANG ANG LAMAN.”
Di ba? Di ba? :)
DEAR CRUSH… BASAHIN MO TO PLEASE? =)))