Kapag iniwan ka ng mahal mo.
Pangkaraniwan mo nang maririnig ang katagang…
“There are plenty of fish in the ocean.”
Kung hindi ako nagkakamali…
Mayroon pa ngang isang TV commercial na ginamit ang mga linyang yan.
Nakakasawa na nga e.
Paulit-ulit.
Kasi ganito daw yun.
Ang buhay pag-ibig ay parang paghahanap ng kapartner mong isda.
Sa dami ng isda sa karagatan…
Tiyak hindi ka mauubusan.
Pero pano kung isa kang gold fish?
Malamang ang hahanapin mo din ay gold fish.
Hindi galunggong, sapsap, bisugo, dalagang bukid o tulingan.
Minsan kasi dahil sa maliit ang utak ng mga isda at laging tinatamaan ng katangahan…
Alam mo nang isa kang gold fish, pero susubukan mo pa ding makipag-lokohan sa isang tulingan.
Wag mong ipilit ang sarili mo sa isdang hindi naman para sayo.
Kasi magmumukha ka lang gago.
Ingat ingat din sa isdang bilasa.
Kasi sa kanila,
WALA KA NG MAPAPALA.
Ang buhay pag-ibig ay ang malawak na karagatan.
At ikaw ay isang hamak na isda lamang na lumalangoy para sa pagmamahal.
Sa lawak nito, maari kang maligaw,malunodat masaktan.
Pero gayunpaman, kung patuloy ngang lalangoy at susugal.
Tiyak matatagpuan mo din ang isdang pinaka-aasam.
BABALA:
Ang susunod mong mababasa ay walang kwenta.
Tandaan:
Ang gold fish ay para sa gold fish.
At ang dalagang bukid ay para sa binatang bukid.
:3
LOLWHUT?
SABAW.
feel ko nawala ang isdang pra sa akin…